- May karapatan ang lahat na mamuhay nang walang karahasan.
- Ang may-sala sa isang akto ng karahasan ang laging may pananagutan.
- Malala ang mga epekto at kapahamakan sa mga bata ng isang akto ng karahasan. Kahit na hindi nila direktang nakikita ang karahasan o hindi direktang nakakaranas ng karahasan. May mga malalang kapahamakan ang mga hindi direktang karanasan.
- Maraming mga paraan para makaalis sa isang marahas na relasyon. Ang isang paraan ay ang paghingi ng tulong mula sa Kanlungan ng Kababaihan, na bukas 24/7 bawat araw ng taon. Tel. 561 1205.
Maaaring maging lubhang mapanganib ang mga kapahamakan ng karahasan sa tahanan. Kaya naman mahalagang tandaan ang ilang mga punto.
Magkaroon ng plano sa kaligtasan
- Ano ang aking pamprotekta – suporta mula sa pamilya o mga kaibigan – maaari ba akong tumakbo papunta sa mga iyon?
- Magpasya sa „key word“ (salitang palatandaan) na gagamitin upang malaman ng mga bata, pamilya at mga kaibigan na kailangang tumawag ng pulis.
- Turuan ang mga bata kung paano tumawag sa 112 sa panahon ng emergency.
- Ipaliwanag sa mga bata ang plano sa kaligtasan
- Mag-isip ng ruta para sa pagtakas – ano ang pinakamainam at pinakamadaling daan na lalabasan ko? – aling pinto/bintana/hagdanan/elevator ang pinakamainam na gamitin?
Mga praktikal na isyu
- Mag-impake ng kinakailangang damit para sa iyo at sa iyong mga anak – ipatago ang bagahe sa taong pinagkakatiwalaan mo.
- Ano ang alam ng mga kapitbahay? Tutulungan ka ba nila / tatawag ba sila sa pulis kung may narinig silang ingay mula sa iyong apartment?
- Itago ang personal na ID (pasaporte, mga pahintulot sa paninirahan, mga pahintulot sa pagtatrabaho, lisensya sa pagmamaneho) sa isang ligtas na lugar.
- Aling mga legal na sanggunian ang maaaring magamit sa sitwasyon ko?