Ang kababaihang nakaranas ng karahasan o kasalukuyang namumuhay nang may karahasan ay maaaring bumisita sa kanlungan para sa panayam kung saan makakakuha sila ng suporta, payo at/o impormasyon, nang hindi pormal na nananatili sa kanlungan. Upang makakuha ng panayam, kailangang magpaiskedyul ng appointment sa: 561 1205. Libre ang panayam.
Maaari din gamitin ng mga kamag-anak at miyembro ng pamilya ang serbisyong ito.
Nakaayon ang panayam sa kaginhawaan ng isang babae, at karaniwang tumatagal ng isang oras at isinasagawa sa Kanlungan ng Kababaihan. Nakikipagpulong ang tagapayo sa kwarto para sa panayam kasama ang babae at kumukuha ng isang maiksing kasaysayan ng sitwasyon. Lubos na nakadepende sa mga kalagayan ang mga susunod na hakbang. Halimbawa, maaaring humiling ng isa pang panayam ang isang babae, maaaring isangguni siya sa ibang serbisyo, o maaaring alukin siyang manatili sa kanlungan.
Pumupunta para sa panayam ang kababaihan dahil sa iba’t ibang mga dahilan. Minsan, pumupunta sila para makakuha ng praktikal na impormasyon kaugnay sa kung paano nila iiwan ang kanilang mapang-abusong kinakasama, paano makipagdiborsiyo o paano sumailalim sa isang kaso ng kustodya, mga issue sa pabahay at iba pa. Maaaring minsan ay hindi na naaapektuhan o kaya ay nagiging manhid sa sitwasyon ang mga abusadong kababaihan. Nasanay na sila sa pananalita at pag-uugali ng may-sala sa karahasan at dahil dito, hindi sila laging sigurado kung ang kaso nila ay isang kaso ng karahasan sa tahanan o hindi. Maaari ding maging mahirap o hindi komportable na ibahagi ang mga paghihirap sa mga kamag-anak o miyembro ng pamilya. Ito ang dahilan kung bakit minsan ay pumupunta ang kababaihan para sa panayam sa isang tagapayo sa Kanlungan ng Kababaihan; upang talakayin ang kanilang sitwasyon.