Noong 2016, sinimulan ng Kanlungan ng Kababaihan ang pagpapalabas ng cartoon na tinatawag na „Pag-usapan natin ang karahasan“. Ang pangunahing layunin ng cartoon ay ihatid sa mga bata ang mga mensahe tungkol sa karahasan, pati na rin gawing mas kapansin-pansin ang mga batang nabubuhay nang may karahasan, sa loob ng komunidad.

Ang mensaheng dapat na maiwan sa mga bata ay ang karahasan sa tahanan ay hindi isang pribadong isyu ng pamilya. Maaari itong mangyari sa bawat pamilya, at na kailanman ay hindi kasalanan ng bata ang karahasan dahil ang mga matanda ang may pananagutan sa kapakanan ng bata.

Sa cartoon, hinihikayat ang mga bata na magsalita tungkol sa karahasan dahil laging mayroong makatutulong.

Ang cartoon ay binuo mula sa mga pondong ibinigay ni Jón Gnarr, at ng Equality Fund of Iceland, na nag-isponsor sa pagpapakilala ng cartoon sa mga mababang paaralan sa Iceland at ibang mga organisasyon na nakikipagtulungan sa mga bata.

Narito ang link sa cartoon (sa wikang Ingles): https://www.youtube.com/watch?v=OzaeN4k8mc8&t=43s